Ano bang matututunan ko sa Ignition Marketing?

Marami ang nagsasabi na ang itinuturo daw dito ay matututunan mo lang sa Youtube, masi-search mo lang sa Google at kahit sa Facebook.

Ang comment ko ay OO at HINDI.

Bakit?

Oo dahil ang iba sa mga topics ay makikita nga naman sa Youtube at sa Google pero hindi lahat.
Hindi dahil ang matututunan mo sa Youtube at Google ay more on specific lang pero sa Ignition Marketing ang ituturo sayo ay simula sa concept, mindset, theory, application, strategy, goal at pati expansion gamit ang mga natutunan mo.

So, marahil hindi mo pa nakuha.

Personally ay OPTOnline Prosperity Training pa lang ang product na nabili ko sa company na to.

ignition marketing training modules

Ang OPT ay may 4 na modules na nagtuturo ng iba’t ibang ideas ang strategies on how to market your business online.

Modules:

Fast Profit Blueprint
  • Dito tinuturo yung mga fundamental aspects na dapat mong matutunan bago pumasok or magsimula sa iyong business.

Facebook Sikat
  • Dito naman ay mga bagay na dapat mong malaman about Facebook at kung paano mo ito magagamit ng tama sa pag-market ng isang business.

Internet Marketing Revolution
  • Dito naman tinuturo ang iba’t ibang uri ng business na pwede mong pasukin base sa mga needs ng customers at nadito rin ang mga technical strategies on how to promote your business to potential prospects ng hindi ka namimilit.

BONUS: Shortcut to 100k/Month
  • Sa module na to, malalaman mo ang strategy kung paano magkaresulta ng mabilis gamit ang mga proven na paraan.
PLUS!

?ecret ?raining

May extended part ng training tungkol sa Sponsoring and Selling at kung paano mo i-maximize ang business mo. Grabeh! Hindi ka bibitawan hangga't natatama ang mindset mo dito sa training na 'to.

Konti lang pala ang training? Kung sa bilang ng modules tayo babase, konti nga lang talaga pero each module ay naglalaman ng 10 or more training videos from Coach Eduard, Mau and Binsoy.  

So far sa na experience ko sa training, nalaman ko na hindi pala madali ang pag-market ng tama. Kailangan pala ay may tamang mindset ka na syang magdadala sayo para ipagpatuloy mo ang business mo at kahit anong mangyari ay kailangang panatilihin mo ang pagbibigay ng value para sa customers mo para mas lumaki pa ang business mo at team mo.

Sa tingin mo, makakatulong ba to sayo? Kung Oo, good luck sayo at advice ko lang ay seryosohin mo pag papasok ka sa isang business dahil baling araw ito ang makapagbabago sa kasalukuyang sitwasyon mo ngayon sa buhay.

Maraming salamat!


Pakishare nalang po kung may natutunan kayo.  

No comments:

Post a Comment