Pwede ba akong mag-negosyo kahit may trabaho ako?

Ang sagot ay Oo naman.

Pero syempre dapat isipin mong mabuti kung ano bang negosyo ang gusto mong pasukin at dapat yung hindi nakaka-apekto sa trabaho mo.


negosyo kahit may trabaho

Example 1: Call Center agent ka at gusto mong mag-negosyo din ng isawan. - Pwede rin. Kaya lang hindi ikaw ang dapat magbenta. Kailangang kumuha ka ng taga-benta kasi mahirap naman kung before or end ng shift mo ay ikaw pa ang magsi-setup at magluluto ng isaw.

Example 2: Bank teller ka at gusto mong mag-negosyo ng load. - Pwede pa rin pero gaya ng nauna, di mo rin yan magagawa habang naka-duty ka pa. Mahirap naman kung tuwing available ka lang sa bahay nyo magbebenta ng load. Kailangan mo rin ng taga-load habang naka-duty ka sa trabaho mo.

Gets mo? Sa dalawang halimbawa na nabanggit ko, isa lang ang common - yung magbebenta. So it means, pwede talaga mag-sideline, mag part-time o mag-negosyo kahit may existing na trabaho ka pa basta iba ang gagawa nito para sayo.

Ang kailangan mo lang ay idea ng isang negosyo, taong magta-trabaho para sayo at syempre puhunan para tumakbo ang business mo kahit nagta-trabaho ka ng 9-5 sa kompanyang pinapasukan mo.

Yan ang magiging system na magpapatakbo sa business mo ng paulit-ulit sa araw-araw. So kahit nagta-trabaho ka, ang negosyo mo ay nagta-trabaho din sa labas.

Sana ay makatulong ang tip na ito sayo. Salamat at good luck sa business na papasukin mo.