Ang sagot sa
tanong na ito ay MARAMI.
Ito ay mga
websites na may ipapagawa sayo katulad ng pag-click ng list of websites,
pagnood ng Youtube videos, or pag-refer ng referrals at marami pang iba.
Pero ito ang
sasabihin ko sayo – dati din akong member ng mga sites nay an kaya lang, sa
tagal ng ginagawa ko ng paulit-ulit lang, napaka-konti ng kinita ko at di nga
makaabot ng Php1000 kung iko-convert mo sa peso kasi mostly ay US sites ang mga
yan.
May chance
din talaga ng kumita sa mga yan, kaya lang noong time ko ay wala akong alam
kung paano i-promote ng tama kaya walang magandang nangyari.
Kaya ang
maida-dagdag na sagot sa tanong na yan ay – MARAMI nga kaya lang aabutin ka ng
ilang taon para kumita ng halagang gusto mo.
Ngayon ang
tanong ko sayo, gusto mo pa bang sumali sa mga internet opportunity na walang
puhunan?
Parang ayaw
mo na diba? Kasi parang nagsasayang ka lang ng oras at wala ka naming napala.
Ang logic
kasi ng mga free sites na yan ay – i-offer nila ang free to join option nila
pero pag member ka na dun mo na malalaman na limited pala ang mga options doon
at kailangan mo pa ring magbayad para ma-avail mo ang MEDYO malaking kita
kompara sa free member options.
Eto naman
pag may puhunan…
Pag may
puhunan ka at sumali sa isang online opportunity – nagbayad ng membership fee
or tinatawag din na entrance fee, maa-access mo kaagad kung ano ba talaga ang
offer ng online opportunity na sinalihan mo.
Halimbawa,
kung online networking site yan nag-o-offer ng products para mapakinabangan mo
at mapagkakitaan mo, automatic access kaagad at hindi limitado ang pag-gamit mo
sa site na binigay sayo (dashboard) lalo na kung may training na ino-offer
dahil makakapagsimula ka kaagad na i-educate ang sarili mo ng hindi mo
kailangan na maghintay na i-upgrade pa ang membership mo.
Parang tv lang
yan, kung di ka nakasubscribe sa cable may mga tatlong channels ka lang pero
kapag nakasubscribe ka na binabayan mo every month syempre may more than 50
channels ka (depende sa plan).
SO ngayon,
gusto mo pa rin ba ng negosyo sa internet na walang puhunan or dun kana sa may puhunan pero sulit naman at makakpagsimula ka kaagad?
Actually, it’s
up to you. Ito ay isang idea lang para maliwanagan ka at makikita mo kung bakit
okay ang may puhunan at alin ang mas kikita ka ng malaki.
Salamat sa
pagbabasa nito at paki-share nalang kung useful para sayo.
No comments:
Post a Comment